Tuesday, February 28, 2017
Day 11 - 14

Day 11. Menara Southern Bank, Bukit Damansara, KL
Time Check. 11:02am
This is what I hate about having no work. I'm overthinking.

Day 14. Menara Southern Bank, Bukit Damansara, KL
2 weeks is done. I have nothing in my mind right now. Just how would I freaking pay for the credit card!!! Katawa lang. Kwento ko lang. Dahil technically pwede ko naman ikwento sayo dahil ikaw ung diary ko. haha. So last week, kinuha na ni cai ung kotse ko. 800pesos per day. Sana maging okay tong si Cai. kaso ang nakakatawa dian, dinala niya sa Tagaytay ng hindi ko alam. HAHAHAHA. very good ba! di nagpaalam eh. eh may nagpost sa groups namin ng kotse ko. katawa amputa.

Time Check. 2:20pm.
ANTOK NA ME!!! Hindi ko na kaya ung sobrang antok! Wala pa akong cellphone fucker. hahaha.

Time Check. 3:07pm.
HUTENGINA. PUMIPIKIT NA LITERAL UNG MGA MATA KO. DI KO NA NAPIPIGILAN!!! Di na po masaya tong nangyayari sa mata ko. antok na antok na ako. hahaha. nakakainis kasi yang pucha na Legends of the Blue Sea. Di ko na kaya! kelangan ko nang bumaba. hahaha. nakakainis. kanina pa ako baba labas pasok taas. pero kelangan kong magising!!!!!! Ang dami ko nang stretching na ginagawa ahhhh!!! teka lang pipikit na talaga ako..

Time Check. 3.25pm.
Bumaba na ako at lahat 325 palang!? anong klaseng buhay to. Sobrang antok na ako. haha. bumili na ako ng kape plus bumili na rin ako ng onigiri para sa dinner ko at di na ako punta ng 711 mamaya pag uwi. tangina 2.5 hours nalang. Sobrang yamot na ako! Plus ung ginagawa ko. 3 nga na application pero hindi ko naman matest dahil wala pa ung adapter ko. at the same time ung 3 na app na sinabi kong 8 days eh binabagalan ko na baka kasi matapos ko na agad. HAHAHA. tangina stress! mahirap na naman matapos agad baka maya wala nang mabigay na task. Eto ang hirap kapag mabilis ka mag trabaho. well. sa testing naman ako masisiraan ng ulo. haha.

Time Check. 3:43pm
Iba talaga! Grabe ang oras, kala mo mas mabagal pa sa suso! Infairness 20 minutes na ko di pa rin ubos ung tinapay ko. Kwento nalang ako. Kagabi medio weird ung panaginip ko. Umaatake na siguro ung pagkahomesick ko. Pero parang okay lang naman. siguro kasi bored lang ako kahapon kaya parang napanaginipan ko. Nasa city of dreams daw ako. HAHAHAHA. Ang weird kasi may tatlong types na ng moneywheel table. Medio hindi na ako titingin sa Details. Pero wala akong kilala ni isa! as in! Lahat ng tao dun puro bago. (Tangina natatae ako, pero walang charge ung phone ko! Anong gagawin ko sa CR?) Sa Money wheel bago, pero may mga nakita akong luma din. Well it's a dream, so nakalimutan ko na agad kung sinu ung mga nakita ko na kilala ko. nakakatawa lang kasi naghahanap lang ako ng kakilala ko. hindi ako naglalaro. hahaha.

Time Check. 5:54pm
Ito na ata ang pinaka marami kong diary input for the day. kada oras may input. Naisip ko na ung term na tinatawag sa nangyari saken kaya ako nanaginip. SepAnx. Seperation Anxiety na ata ung nararamdaman ko kaya bigla nalang akong nanaginip about sa mga tao sa Pilipinas. Parang nagsisimula palang tayong maging close biglang aalis na pala ako. Masama ba ugali ko? Nakipag close pa ako kahit alam kong aalis ako? Hmm. Nakakadalawang linggo na rin pala akong wala sa Pinas. Hinahanap kaya ako ni Bebe? hahaha. o ung mga tao sa CoD? Di siguro. Hanggang pang ilang araw kaya ako hindi nalang rereplyan ni Sheila? O hanggang kailan kaya ako ippm ni Janelle? Hanggang kailan kaya may mag lilike sa posts ko na mga dealer ng COD? Siyempre ung magulang ko wala man ako sa Pinas o nasa ibang bansa man ako, alam kong love ako nun. Tsaka si Joan at si Jeffrey. Good thing na rin pala na pauwi na si Ate kris. para kung mag extend man ako dito, eh ayos lang din kina parentals. Parang feeling ko naman kaya ko dito ng 2 taon. Sana para makapag ipon ipon naman. Madali lang din naman for me na makahanap ng boyplen dito. Pero sa susunod nalang muna siguro. Papapayat muna ako. kekeke. Hanggang kailan kaya kami magkakaroon ng communication ng Wellness. O di kaya nina Nicole. Pero feeling ko di na mawawala un, ung gaano kaactive makipag communicate un nalang ung problema. ung mga kasamahan kong driver, hanggang kailan kaya may PTNO? Hanggang kailan may uber at grab sa Pinas? Mamamaintain ko kaya ung pagiging active ko sa uber? haha. ngayon pa ako nagiisip kung kelan nandito na ako. Kung kelan wala na akong choice kundi tapusin ang contract ko. HAHAHA. PagIbig pa more! Mas okay na rin, kasi atleast walang mag papaalala saken about sa nangyari sa Pinas. Lamunin nalang ako ng Koreanovela, American Series at kung anu-anong Pelikula. Mauubusan kaya ako ng papanoorin?

Posted at 2/28/2017 11:50:48 am by mharyan45
Make a comment  


Next Page



   

<< June 2017 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03
04 05 06 07 08 09 10
11 12 13 14 15 16 17
18 19 20 21 22 23 24
25 26 27 28 29 30


If you want to be updated on this weblog Enter your email here:




rss feed